Gorayeb nagbitiw bilang coach ng NU

MANILA, Philippines -  Isang may prinsip-yong tao si veteran coach Roger Gorayeb.

Kaya naman matapos masibak ang Lady Bulldogs ng National University sa UAAP Season 79 women's volleyball tournament ay kaagad siyang nagsumite ng courtesy re-signation.

“Kung pababalikin ako, OK lang. Kung hindi naman, OK lang din kasi kailangan, they should have a free hand kasi two years na,” sabi ni Gora-yeb matapos ang 25-20, 25-19, 22-25, 21-25, 12-15 kabigua ng NU laban sa University of Santo To-mas kahapon.

Unang umupo si Go-rayeb sa bench ng Lady Bulldogs noong Enero ng 2015 sa kalagitnaan ng UAAP Season 77.

Iginiya niya ang Lady Bulldogs sa Final Four bilang third seed team sa nasabing taon at natalo sa finalist na La Salle Lady Spikers sa isang ‘do-or-die’ match.

Hindi naman nakapasok ang Lady Bulldogs sa playoffs ng Seasons 78 at 79 sa kabila ng pangu-nguna ni Jaja Santiago.

Show comments