Letlet Terrenal-Maring, 47
(Pang-masa) - March 30, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines - Pumanaw na ang dating Sports Editor na si Celeste ‘Letlet’ Viana Terrenal-Maring sa edad na 47 dahil sa sakit na hyperthyroidism sa St. Dominic Hospital sa Bacoor City, Cavite  noong Marso 28.

Naulila ni Letlet ang asawang si Ruverindo at mga anak na sina Caillie at Raevenne at kanyang ina, ama at mga kapatid.

Ang kanyang labi ay nakahimlay sa La Bien Memorial Chapel sa Bacoor, Cavite.

Nagsimula si Letlet, nagtapos sa University of Santo Tomas sa kursong AB Journalism, sa kanyang sportswriting career noong 1989 at kinoberan ang ilang edisyon ng Southeast Asian Games at naging regular na beat ang PBA, UAAP, NCAA, PSC at POC bago hinirang na Sports Editor ng Balita at Kabayan. Huli siyang nagtrabaho sa Department of Labor and Employment at sa PUP-Sta. Mesa.

Nakatakdang ihimlay ang mga labi ni Letlet sa Linggo sa Holy Trinity Cemetery.

CELESTE ‘LETLET’ VIANA TERRENAL-MARING
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with