Grade 10 student ng Escuela de Sophia bronze sa World Jr. Championships

MANILA, Philippines - Nagbigay si Abigail Faye Valdez, isang 15-an-yos na Grade 10 student mula sa Escuela de Sophia ng Caloocan, sa Pilipinas ng isang bronze medal sa katatapos na World Junior Taekwondo Championships sa Burnaby, Canada.

 Lumaban sa -45-kilogram weight category, tinalo ni Valdez ang kanyang mga karibal mula sa Sweden (12-0) at Iran (7-6) sa una niyang dala-wang laban bago natalo sa isang Vietnamese fighter (1-3) para makuntento sa bronze medal.

Ang iba pang miyembro ng Philippine squad na sinuportahan ng Meralco/MVP Sports Foundation at nakapasok sa quarterfinals ay sina Beatrice Kassandra Gaerlan at Harvey Vincent Santos.

Show comments