Azkals-Turkmenistan game kinansela

MANILA, Philippines - Dahil sa mga injury ng kanilang players ay mi-nabuti ng Turkmenistan na kanselahin ang kanilang friendly match ng Philippine men’s football team.

Ito ang natanggap na notice ng Philippine Football Federation (PFF) mula sa Turkmenistan.

“Whilst the cause is beyond its control, the PFF wishes to apologize to all sports fans and football supporters for the cancelation of the friendly,” sabi kahapon ni PPF general secretary Edwin Gastanes.

Lalabanan sana ng Philippine Azkals ang Turkmenistan para sa isang exhibition match sa Biyer-nes sa Philippine Sports Stadium.

Ito ay bilang preparasyon ng Azkals para sa bigating AFC Suzuki Cup.

Ayon sa Turkmenistan, halos karamihan sa kanilang mga players ay nagkaroon ng injury ma-tapos ang nakaraang Turkmenistan Championship at Cup matches.

Tiniyak naman ng PFF sa mga fans na nakabili ng tiket na ito ay kanilang ire-refund.

Dahil dito ay lalabanan na lamang ng Azkals ang Kyrgzstan sa isang friendly match sa Setyembre 6 sa Bishkek.

Show comments