Roach ‘di pa maka-move on
Ramil Bajo, Rey Galupo, Non Alquitran (Pang-masa) - June 2, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – Hindi pa rin tanggap ni Freddie Roach hanggang ngayon na tapos na ang kanyang alagang si Manny Pacquiao sa boxing.

Sinabi ng matagal na naging trainer ni Pacquiao na si Roach sa Radio Rahim na nais niyang labanan pa uli ng kanyang premyadong alagang boxer na isa nang Senador ngayon ng isang beses si Floyd Mayweather Jr.

“Mayweather is a good fighter. I would like Manny to fight him again,” sabi ni Roach.

Hindi pa rin nalili-mutan ni Roach ang pagkatalo ni Pacquiao kay Mayweather sa pinakamayamang laban sa kasaysayan ng boxing  at   naniniwala siyang iba ang magiging resulta ng laban kung walang injury si Mayweather.

Itinuloy ni Pacquiao ang laban kay Mayweather kahit mayroon itong torn rotator cuff sa kanang balikat na ayon kay Roach ay naging malaking dahilan kung bakit natalo si Pacquiao.

Bumawi ang General Santos City-based champion  sa pamamagitan ng impresibong panalo kay Timothy Bradley noong April, ngunit agad nitong inihayag ang kanyang pagreretiro upang tutukan ang kanyang political career.

Ngayong naiproklama na si Pacquiao bilang isa sa mga miyembro ng  Philippine Senate, walang katiyakan kung matutupad ang hangad ni Roach na lumaban uli ang kanyang dating alaga.

“I’d like Manny to have one more fight – that is no secret. But the thing is, with Manny being senator, I’m not sure if it would be too time-consuming to be able to do that right now,” sabi pa ni Roach. “Being a congressman is one thing, but being a senator is a little bit of a bigger step.”

ALEX BALCOBA MANILA QUIAPO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with