All-Filipino match sa PXC ngayong Sabado

(Pang-masa) - January 12, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines - Bubuksan ng Pacific X-treme Combat (PXC) ang 2016 season sa pamamagitan ng bakbakan nina Crisanto Pitpitunge at Je-nel Lausa sa Sabado sa Solaire Resort and Casino.

Paglalabanan nina Pitpitunge at Lausa ang bakanteng flyweight title sa main match ng nine-fight card para sa 51st edition ng premiere Mixed Martial Arts (MMA) tournament sa Asia.

Ito ang unang all-Filipino title match sa PXC sapul nang talunin ng namayapang si Ale Cali si Erwin Tagle sa flyweight championship.

“It’s gonna be an exciting nine-fight card which the PXC prepared for fight fans this coming Saturday,” sabi ni PXC director for fight operations Robert San Diego kahapon sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Shakey’s Malate.

Ang isa pang title match ay magtatampok kay reigning bantamweight king Kyle Aguon ng Guam laban kay Kwan Ko Kwak ng South Korea.

Dumalo din sa public sports program na inihahandog ng San Miguel Corp., Shakey’s, Accel, at Philippine Amusement and Gaming Corp sina fighters Rex De Lara na haharap kay  Stephen Loman sa bantamweight clash at Wesley Machado na  makakatapat si Sho Kogane ng Japan sa featherweight bout sa undercard. (JV)

ALE CALI CRISANTO PITPITUNGE ERWIN TAGLE KWAN KO KWAK KYLE AGUON LAUSA MIXED MARTIAL ARTS PACIFIC X PHILIPPINE AMUSEMENT AND GAMING CORP PHILIPPINE SPORTSWRITERS ASSOCIATION REX DE LARA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with