One-game suspension kay Rondo

NEW YORK – Pina­tawan ng NBA si Sacra­mento Kings guard Rajon Rondo, tinulungan ang Boston Celtics na magkampeon noong 2008, ng one-game sus­pension without pay ma­tapos ang kanilang ka­­biguan sa Mexico Ci­ty.

Hindi maglalaro ang 29-anyos na playma­ker sa home game ng Kings kontra sa Houston Rockets sa Martes bilang parusa kaugnay sa kan­yang “direc­ting a de­ro­gatory and offensive term towards a game official and not leaving the court in a timely manner upon his ejection.”

Nangyari ang insi­den­te nang matawagan si Rondo ng dalawang technical fouls at ejection sa 6:30 minuto ng third quarter sa 97-114 ka­biguan ng Kings sa Celtics noong December 3.

Nagtatala si Rondo ng mga averages na 12.6 points, 11.0 assists at 6.9 rebounds para sa Sacramento.

Matapos ang higit sa walong seasons para sa Boston ay dinala si Rondo ng Celtics sa Dallas Mavericks noong naka­raang Dis­yembre kasunod ang pagkakalipat ni­ya sa Sacramento sa off-season.

Show comments