Aces sumosyo sa liderato
Russell Cadayona (Pang-masa) - November 20, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Wala siyang espesyal na estratehiyang ginawa para sa Alaska kaya hindi inako ni American coach Alex Compton ang lahat ng kredito.

“I didn’t do anything. The guys did it all,” sabi ni Compton matapos ang 123-104 pagpapabagsak ng Aces sa dating mainit na Globalport Batang Pier para sumosyo sa liderato ng 2015 PBA Philippine Cup kagabi na nagpatuloy sa Smart Araneta Coliseum.

Walong players ang umiskor ng double-digits para sa pang-apat na panalo ng Alaska at saluhan ang nagdedepensang San Miguel sa liderato.

“Wala akong masabi. Maganda ang ginawa ng mga players. They moved the ball, they played as a team,” wika ni Compton sa Aces na nakabawi sa naunang 92-93 kabiguan sa Ginebra Gin Kings sa Dubai.

Kinuha ng Alaska ang pinakamalaking kalamangan na 21 points, 110-89  sa 3-point play ni Jazul kay Terrence Romeo sa huling 4:54 minuto ng final canto.

Umiskor si Romeo ng game-high na 33 markers para banderahan ang Batang Pier, habang nagdagdag ng 16 points si Stanley Pringle kasunod ang 13 ni Billy Mamaril, 11 ni Doug Kramer at 10 ni Rico Maierhofer.

Kasalukuyan pang naglalaro ang Talk ‘N Text at ang NLEX habang isinusulat ito.

Samantala, hangad ng Rain or Shine na makasosyo sa liderato sa pagharap sa Blackwater ngayong alas-3 ng hapon kasunod ang laro ng Star at Meralco sa alas-5:15 sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

ALASKA 123 - Baguio 17, Manuel 16, Banchero 14, Jazul 14, Thoss 14, Menk 12, Abueva 11, Casio 10, Baclao 4, Dela Rosa 4, Hontiveros 4, Dela Cruz 3, Exciminiano 0, Racal 0.

Globalport 104 - Romeo 33, Pringle 16, Mamaril 13, Kramer 11, Maierhofer 10, Uyloan 6, Washington 6, Yeo 5, Jensen 2, Sumang 2, Paniamogan 0, Taha 0.

Quarterscores: 34-25; 60-50; 94-78; 123-104.

ALEX COMPTON ANG BATANG PIER BILLY MAMARIL COMPTON CUNETA ASTRODOME DELA CRUZ DELA ROSA DOUG KRAMER GINEBRA GIN KINGS GLOBALPORT BATANG PIER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with