La Salle nagdomina sa table tennis

MANILA, Philippines - Pumaimbulog ang ga­ling ng La Salle sa 78th UAAP table tennis tournament nang walisin ang apat na titulo na pi­naglabanan sa seniors at juniors divisions.

Pinagharian ng Archers ang men’s division sa ikatlong sunod na taon nang wa­lisin ang UST Tigers sa kanilang best-of-three series.

Hindi naman nagpahuli ang Lady Archers na ibinandera ng natio­nal player na si Ian Larriba nang kumpletuhin ang 16-0 sweep sa wo­men’s division.

Bitbit ang ‘thrice-to-beat’ advantage, kumuha ang La­dy Archers ng 3-0 at 3-1 panalo laban sa FEU Lady Tamaraws.

Wala ring nakasabay sa galing ng mga junior athletes ng La Salle ma­tapos magdomina sa high school division.

Dinaig ng Junior Archers ang National University Bullpups habang ang Junior Lady Archers ay namayani sa UE Junior Warriors ng girls’ table tennis sa liga.

Show comments