GM Survey: Cavaliers, James magtatagumpay ngayong season

NEW YORK  – Naniniwala ang mga National Basketball Association general managers (GMs) na ito na ang  season na maihahatid na ni LeBron James ang Cleveland sa titulo.

Makokopo ng Cavaliers ang kanilang unang NBA championship at makukuha ni James ang kanyang ikalimang MVP award, ayon sa resulta ng NBA.com GM survey na inilabas nitong Martes.

Tumanggap ang Cavs ng 53.6 percent mula sa mga boto para talunin ang San Antonio (25 percent).

Nakarating ang Cleveland sa finals noong nakaraang taon ngunit nabigo sa Golden State, na No. 3 sa botohan  sa kanilang 17.9 percent mula sa mga boto.

Nakakuha si James ng 39.3 percent sa MVP votes para talunin si  Anthony Davis (25 percent).

Nakakuha naman si Davis ng 86.2 percent  mula sa mga boto ng  player executives na nagnanais na gawin siyang franchise player.

Show comments