Jordan nagbida sa panalo ng Clippers laban sa Nuggets sa preseason game

LOS ANGELES – Humakot si center De­Andre Jordan ng 15 points at 12 rebounds para tulungan ang Los An­geles Clippers sa 103-96 paggupo sa Denver Nuggets sa unang NBA preseason game.

Humugot si Jordan ng 12 points sa first half mula sa 5-for-6 fieldgoal shooting, kasama rito ang tatlong slam dunks.

Nag-ambag naman si Josh Smith ng 13 points at 8 rebounds, habang nag­tala si point guard Chris Paul ng 12 points, 9 assists at 5 rebounds.

Ang bago naman ni­lang hugot na si Paul Pierce ay may 5 points para sa Clippers.

Diniskaril ng Clippers ang unang laro ni ba­gong coach Michael Malone para sa Nuggets.

Kumamada si Joffrey Lauvergne ng 16 points at 11 rebounds at nagdag­dag si rookie Em­ma­nuel Mudiay ng 14 points para sa Denver.

Susunod na lalaba­nan ng Clippers ay ang To­ronto Raptors sa Vancouver, British Columbia sa Linggo at maka­ka­tapat ng Nug­gets ang Mavericks sa Martes.

Show comments