UAAP, ABS-CBN may pa-party sa fans

MANILA, Philippines - Ikatutuwa ng mga UAAP fans ang handog ng liga, katuwang ang broadcast partner nito na ABS-CBN Sports + Action, sa pagtaguyod ng pinakaunang UAAP Fan Weekend sa Pacific Drive, Mall of Asia Arena para sa dalawa sa mga pinakasikat na event nito.

Pagkatapos ng UAAP Cheerdance competition ngayon sa MOA Arena,  makisa-yaw sa tugtugan ng mga top DJs na sina Marc Marasigan at Kat DJ sa isang malupit na after-party sa alas-6:00 hanggang alas-9:00 ng gabi.

Pagkatapos ng sagupaan ng magkaribal na Ateneo at La Salle bukas, maki-party kasama si Bea Valera at Kio Priest.

Magkakaroon ng tsansa na makilala pa lalo ang kanilang mga idolong atleta sa UAAP tulad nina JR Gallarza ng UP Fighting Maroons, Carmela Tunay ng UST Lady Tigers, Jose at Alfonso Monte-libano ng DLSU football team, Shelley Gupilan ng NU Women’s Basketball team, at Mikko Mabanag ng Ateneo football team.

Sina Nikko Ramos, Gretchen Ho at mga “UAAP Upfront” girls na sina Bea Daez at Natasha Alquiros ang hosts ng UAAP Fan Weekend.

Show comments