Gray-Peach haharap kina Biado-Kiamco

MANILA, Philippines – Kinuha nina Mark Gray at Daryl Peach ng England B ang karapatan na labanan sina Carlo Biado at Warren Kiamco ng Pilipinas sa 7-4 panalo laban kina Marcus Chamat at Christian Sparrenloev ng Sweden sa first round ng World Cup of Pool sa York Hall, London.

Isinantabi ng pangalawang koponan mula sa host country ang 1-3 panimula nang ipanalo ang anim sa sumunod na pitong racks na pinaglabanan para umabante sa round-of-16.

Naunang pumasok sina Biado at Kiamco nang sibakin sina Ruslan Chinakhov at Konstantin Stepanov ng Russia, 7-4.

Samantala, pumasok na sa quarterfinals ang nagdedepensang kampeon na sina Darren Appleton at Karl Boyes ng England A matapos ang 7-0 dominanteng panalo laban kina Jeong Yung Hwa at Ryu Seung Wu ng Korea. (AT)

 

Show comments