Dahil sa 7-1 kartada, Iran inangkin ang korona ng 37th Jones Cup Pinoy wagi sa Americans

TAIPEI – Naisuko ng Gilas Pilipinas ang itina­yong 18-point lead sa third period bago nakabalik sa kanilang porma para ta­lunin ang US-Overtake Select, 76-72, sa 37th Williams Jones Cup basketball tournament kahapon sa Xinzhuang Stadium di­to.

Sina Sonny Thoss, Cal­­vin Abueva at Dondon Hontiveros ang nag­salba sa Nationals sa fourth quarter para iposte ang 5-2 record sa torneo kumpara sa 3-4 baraha ng mga Americans.

Kinuha ng Gilas Pili­pi­nas 18-point lead, 55-37, sa third quarter bago nakalapit ang US, ibinandera sina   dating PBA imports Marquin Chandler (Purefoods) at CJ Warner (Globalport) at dating Los Angeles Clippers player Keith Closs.

Ang dalawang free throws ni Chandler ang nag­dikit sa mga Americans sa 66-70 agwat sa hu­ling 2:20 minuto ng final cato.

Huling naghamon ang USA sa 71-74 buhat sa dalawang charities ni Cory Bradford hanggang selyuhan ni Hontiveros ang panalo ng Gilas Pili­pi­nas mula sa kanyang da­lawang foul shots.

Ang Americans ang ta­nging koponang tumalo sa four-time champions na Iran, 81-66, noong Set­yembre 2.

Dahil sa 7-1 record ng Iranians ay ganap nilang na­kamit ang pang-lima ni­lang Jones Cup crown.

GILAS PILIPINAS 78 – Abueva 20, Thoss 13, David 13, Hontiveros 7, Taulava 7, De Ocampo 7, Intal 5, Tautuaa 4, Rosario 2, Norwood 0, Pingris 0, Ganuelas 0.

US 74 – Chandler 20, Bradford 19, Warner 17, Mc­Donald 8, Closs 6, Watkins 2, Hall 2, Andrade 0, Mirza 0, Waters 0.

Quarterscores: 15-13, 40-30, 60-47, 78-74.

Show comments