No. 1 spot pag-aagawan ng Blue Eagles at Bulldogs

MANILA, Philippines - Ang tanghaling No. 1 team sa Spikers’ Turf  Collegiate Confe­rence quarterfinals ang mang­ya­yari ngayon sa pag­tu­tuos ng Ateneo Blue Eagles at NU Bulldogs sa The Arena sa San Juan City.

Parehong may 6-0 ba­raha ang Blue Eagles at Bulldogs na nagtu­os para sa UAAP title no­ong nakaraang taon ka­ya’t makakatiyak na ma­aksyon pa rin ang sal­pukan ng dalawang se­mifinalists.

Magsisimula ang aksyon sa alas-3 ng ha­pon matapos ang ‘no-bearing’ game sa hanay ng FEU Tamaraws at St. Benilde Blazers sa ala-1.

Ang Tamaraws, Bla­zers at UP Maroons ay napatalsik na sa liga, ha­bang pag-aagawan ng La Salle Green Archers, Emilio Aguinaldo College Generals at NCBA Wild Cats ang huling da­lawang upuan sa Final Four.

Nasa unang puwesto ang Ateneo bilang Best Spikers, Best Servers at Best Receivers kaya’t kai­langang magsikap ang NU para makuha ang No. 1 spot.

Ang Final Four ay crossover at ang tatanghaling No. 1 ang maka­ka­tapat ng No. 4 at ang No. 2 at No. 3 ang mag­kikita sa ikalawang semis spot.

 

Show comments