Ayo suspendido ng 1-game

MANILA, Philippines - Pinatawan si Letran Knights rookie coach Aldin Ayo ni NCAA Commissioner Bai Cristobal ng one-game suspension dahil sa “unbecoming and disrespect of the game.”

Ang nasabing suspensyon ni Ayo ay dahil sa pagsusuot nito ng sunglasses sa laro ng Knights laban sa San Sebastian Stags noong nakaraang buwan at ang pagbato nito ng monobloc chair sa labas ng kanilang dugout matapos tawagan ng foul si McJour Luib sa fourth quarter kontra sa Lyceum Pirates noong nakaraang linggo.

“We’re just protecting the integrity of the league,” ani Cristobal.

Nakatakdang itaya ng Letran ang kanilang malinis na 7-0 record sa pagsagupa sa Emilio Aguinaldo College ngayong alas-2 ng hapon.

Bukod kay Ayo, sinuspinde din ni Cristobal sina Mapua mentor Atoy Co at point guard Andretti Stevens at si Lyceum center Joseph Gabayni.

Tinawagan si Co ng dalawang technical foul dahil sa sobrang pagre-reklamo at paghuhubad ng kanyang t-shirt sa panalo ng Cardinals laban sa Pirates noong nakaraang linggo.

Show comments