Andre Miller nakipagkasundo sa 1-year deal sa Timberwolves

MINNEAPOLIS – Ang nakilalang  ‘Professor ay mag-oopisina na sa Minnesota sa susunod na season.

Nakipagkasundo si Andre Miller sa Timberwolves sa one-year deal nitong Miyerkules, ayon sa kanyang agent na si Andy Miller.

Sa pagdating ng 39-gulang na si Miller nagkaroon ang Wolves ng mahusay na vete-ran point guard para makadagdag sa rotation na kinabibilangan nina Ricky Rubio at rookie backup Tyus Jones.

Binisita ni Miller ang Wolves nitong Miyerkules at nakipagkita kina coach Flip Saunders, GM Milt Newton at ilan pang team officials at inilibot siya sa bagong practice facility ng koponan.

Makalipas ang ilang oras, nakipagkasundo na siya para sa  one-year deal para sa veteran’s minimum.

“He’s very excited about the opportunity,’’ ani Andy Miller. “He was sold on the direction of the team and the ve-teran leadership he could provide to a promising young roster. He felt it was a good fit for him.’’

Lalaro si Andre Mil-ler sa kanyang ika-17th season sa NBA at nag-average siya ng 12.8 points at 6.7 assists sa kanyang paglalaro sa pitong koponan.

Show comments