Durant sasailalim sa surgery

OKLAHOMA CITY – Sasailalim si NBA MVP Kevin Durant sa bone graft surgery sa susu­nod na linggo para ayusin ang nabaling buto sa kan­yang kanang paa.

Nauna nang inihayag ng Oklahoma City Thunder na hindi na makakapaglaro si Durant ngayong season.

Sinabi ni general manager Sam Presti na inaasahan nilang makakabalik si Durant sa basketball activities sa loob ng apat hanggang anim na buwan.

Nasa posisyon ang Thunder na makapasok sa playoffs kahit wala si Durant.

Ngunit aminado silang malaki ang mawawala sa kanilang opensa sa hindi paglalaro ni Durant.

Sa 27 games ay nagtala si Durant ng mga ave­ra­ges na 25.4 points, 6.6 rebounds at 4.1 assists.

Sumailalim si Durant sa initial surgery noong Ok­tubre at gumanda ang pakiramdam.

Ngunit noong Pebrero ay nagkaroon siya ng pro­cedure para palitan ang turnilyo sa kanyang ka­nang paa.

Show comments