Bullpups dinurog ang Baby Falcons para kunin ang no. 2 seat sa final 4

MANILA, Philippines - Laro ng isang nagde­depensang kampeon ang ipinakita ng National Uni­versity Bullpups patungo sa kanilang 72-45 demolisyon sa Adamson Baby Falcons sa 77th UAAP juniors basketball playoff kahapon sa Blue Eagle Gym sa Quezon City.

Si Mark Dyke ay hin­di nagpaawat patungo sa kahanga-hangang 23 pun­tos at 26 rebounds bu­kod sa dalawang assists at isang steal.

May 15 puntos at 16 rebound ang 6-foot-4 cen­ter sa first half para ila­yo na ang Bullpups sa 41-21 iskor.

Sina Philip Ma­na­lang, Jordan Santa Ana at John Clemente ay nag­hatid din ng 15, 13 at 12 puntos, ayon sa pag­kakasunod, para sa Bullpups na nag-bye sa pagbubukas ng step-ladder semifinals bukas.

Nagkaroon ng playoff dahil nagsalo sa ikalawa hanggang ikaapat na puwesto ang NU at Adamson bukod sa pa­hi­ngang La Salle Zobel sa 9-5 baraha.

May pinakamababang quotient ang La Salle kaya’t sila ang ma­kakalaban ng Adamson para madetermina kung sino ang makakatuos ng Bullpups.

Ang Ateneo Eaglets ay nasa Finals na at may ‘thrice-to-beat’ advantage matapos ang 14-0 sweep sa elimination round. (ATan)

Show comments