Jockey Cordova nagtala ng 2 malaking panalo

MANILA, Philippines - Nagpasikat ang hineteng si Jordan Cordova nang maipanalo ang dalawa sa anim na malalaking ka­rera na nagpakinang sa 19th taon ng MARHO Breeders’ Cup noong Linggo sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Tampok na panalo na naibigay ni Cordova ay sa Hot And Spicy na pag-aari ni Joseph Dyhengco nang mangibabaw ang tambalan sa Classic race na isinagawa sa 2,000-metro distansya.

Bago ito ay naipanalo rin ni Cordova ang Sky Hook sa Juvenile Colts race na ginawa sa 1,500m.

Halagang P600,000.00 ang premyong nasungkit ni Dyhengco sa bawat ka­rerang napanalunan.

Ang iba pang nagkampeon sa stakes races ay ang Driven ni Kevin Abobo sa Juvenile Fillies, Kanlaon ni Val Dilema sa 3-Year Old Colt, Marinx sa pagdadala ni Pat Dilema sa 3-Year Old Fillies at Nemesis na ginabayan ni Garganta sa Sprint race.

Ang winningest horse owner sa pag­tatapos ng isang linggong pista ay si Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos na kumabig ng P1.8 milyon.

 

Show comments