Finals preview ng Systema vs IEM
Rosalinda L. Orosa (Pang-masa) - October 30, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines – Magkakaroon ng pagkakataon ang Systema Active Smashers at Ins-tituto Estetico Manila Volley Masters na makita ang lakas at kahinaan ng bawat isa bago magtuos sa titulo sa kalalakihan habang magpapainit naman ang Cagayan Valley Lady Rising Suns sa Meralco Power Spikers sa pagtatapos ngayon ng Shakey’s V-League Season 11 Third Conference elimination  round sa The Arena sa San Juan City.

Ang Power Smashers at Volley Masters ay magkikita sa ganap na ika-4 ng hapon at ang magwawagi ang siyang magkakaroon ng karapatang tawaging number one matapos ang eliminations.

Magkasalo sa unahan ang Systema at IEM sa 4-1 baraha at ang papalarin ay magkakaroon din ng momentum sa pagsisi-mula ng best-of-three finals sa Linggo.

Nanalo ang IEM sa unang pagkikita sa limang sets pero handa ang Systema na bawian ito para tumatag ang paghahabol sa titulo sa kalalakihan.

Gagamitin naman ng Lady Rising Suns ang laban sa Power Spikers dakong alas-6 ng gabi para mapaghandaan ang mas mabigat na laban kontra sa Army Lady Troopers sa kampeonato sa kababaihan sa ligang inor-ganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s at may ayuda pa ng Accel at Mikasa.

Hindi malayong bigyan ng exposure ng Cagayan ang ibang manla-laro ngunit tiyak din na hindi magpapabaya ang koponan sa laban para hindi bumaba ang morale papasok sa best-of-three finals. (AT)

ANG POWER SMASHERS ARMY LADY TROOPERS CAGAYAN VALLEY LADY RISING SUNS ESTETICO MANILA VOLLEY MASTERS LADY RISING SUNS MERALCO POWER SPIKERS POWER SPIKERS SAN JUAN CITY SHAKEY SPORTS VISION
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with