Nowitzki nanguna sa panalo ng dallas

DALLAS – Nagsalpak si Dirk Nowitzki ng 16 points sa kanyang preseason debut at tinalo ng Dallas Mavericks ang Indiana Pacers, 106-98.

Naglista si Charlie Villanueva, hindi naglaro sa unang tatlong yugto, ng 16 points at 4 rebounds para sa Mavericks nang kanyang banderahan ang koponan sa fourth quarter.

Hindi nakapaglaro si Nowitzki sa unang dalawang exhibition games ng Dallas dahil sa kanyang injured sa kanang binti.

Nagdagdag siya ng 5 rebounds at 2 assists para sa Mavericks na nakahugot ng 10 assists kay Jameer Nelson.

Show comments