Magtatangka ng KO si Algieri vs Pacquiao

MANILA, Philippines - Sa 20 niyang panalo ay walong beses lamang siyang nakaiskor ng knockout.

Sa kabila nito, kumpiyansa si American challenger Chris Algieri na kaya niyang puruhan si Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao sa kanilang world welterweight championship fight sa Nobyembre 22 sa The Venetian sa Macau, China.

“Absolutely, I absolutely do. I think in terms of boxing, you know it’s purely unexpected and anything can happen, and you got two guys and if you can hit someone and hurt them and if you can hurt them you can stop them,” sabi ni Algieri sa panayam ng On The Ropes Boxing Radio.

Kasalukuyang bitbit ni Pacquiao ang kanyang 56-5-2 win-loss-draw ring record tampok ang 38 KOs para sa kanyang pagdedepensa ng suot na World Boxing Organization (WBO) welterweight crown laban kay Algieri.

Sinabi ng 30-anyos na si Algieri na hindi niya inaasahang mapapabagsak niya ang 35-anyos na si Pacquiao.

“I don’t go into this fight thinking that I have to win a decision or I have to outbox him or anything like that. If the knockout is there, the knockout is there. If it comes, it comes. If it doesn’t, I’m looking to dominate either way,” sabi ni Algieri.

Sinimulan na ng 5-foot-6 na si Pacquiao ang kanyang pag-eensayo sa General Santos City para sa kanilang upakan ng 5’10 na si Algieri.

Nauna namang magpakondisyon si Algieri sa United States. Nangako si Algieri na hindi niya tatakbuhan si Pacquiao sa kanilang laban.

Sinasabing kung mananalo si Pacquiao kay Algieri ay may tsansang maplantsa ang mega fight nina ‘Pacman’ at Floyd Mayweather, Jr. (47-0-0, 26 KOs) sa susunod na taon.

Show comments