Balkman gustong bumalik sa Pilipinas

SEVILLE, Spain – Naa­a­lala n’yo pa ba si Renaldo Balkman?

Ang six-year NBA ve­teran na pinatawan ng lifetime ban ng PBA dahil sa pagwawala tampok ang pagsakal sa kanyang Petron teammate na si Ar­wind Santos sa PBA Com­missioner’s Cup, ang isa sa mga nangungunang pla­yers na naglalaro sa Group B sa 2014 FIBA World Cup.

Kagaya ng Gilas Pili­pi­nas, may 0-2 record din si Balkman at ang kanyang Puerto Rico.

Maghaharap ang Na­tionals at ang mga Puerto Ricans, kasama si Balkman, bukas ng ala-1:30 ng hapon (alas-7:30 ng ga­­bi sa Manila) sa Centro De­­portivo San Pablo.

“We’ve got Greece to­morrow (kagabi) then get to rest before the Phi­lippines. I’m looking for­ward to it as any other game,” sabi ni Balkman.

Sa kanyang hotel ay nag­kausap sina Balkman at dating kakamping si June Mar Fajardo.

“I talk to him. I talk to him everyday,” sabi ni Balkman na walang anu­mang galit sa PBA. “I love Manila. That’s a great city.”

Ngunit ang kanilang la­ro laban sa Gilas Pilipinas ay ibang istorya.

Sa pagkakaroon ng dalawang starters na may injury, si Balkman ang a­asahan ng Puerto Rican.

“I’ve got to get our guys going. We’ve lost two players. The bench has got to come out. That’s my focus right now,” ani Balkman kina guard Carlos Arroyo at wingman Angel Vassallo.

“Anything is possible. Any­thing can happen,” dag­dag nito.

Show comments