P6.6M nakataya para sa Mayor Bagatsing Cup
ATan (Pang-masa) - August 17, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Kabuuang P6.6 milyong piso ang paglalabanan sa paglarga ngayon ng Mayor Ramon D. Bagatsing Cup Racing Festival sa San Lazaro Leisure Park sa Car­mona, Cavite.

Lahat ng 13 karerang paglalabanan ay sinahugan ng malalaking premyo at tampok na karera ay ang Chal­lenge of Champions Cup na sinahugan ng P1 mil­yong premyo.

Malalaman sa tagisang ito kung sino sa pagitan ng mga premyadong kabayo na Hagdang Bato at Crucis ang mas mahusay sa karerang paglalabanan sa 1,750-metro.

Si Jonathan Hernandez ang didiskarte sa back-to-back Horse of the Year awardee Hagdang Bato, ha­bang si Jeff Zarate ang gagabay sa Crucis na pina­ka­ma­­husay na imported horse  noong nakaraang taon.

Ang Boss Jaded ni Jeff Bacaycay at Pinespun ni John Alvin Guce ang kukumpleto sa apat na kaba­yong karera at ang mananalo sa race seven na ito ay mag-uuwi ng P600,000.00 premyo.

Isa pang tampok na karera ay ang Philracom-Ba­gatsing Cup Division 1 na katatampukan ng limang kabayo na magsusukatan sa 1,600-metro distansya.

Ang Presidential Gold Cup champion na Pugad La­win na gagabayan ni Jessie Guce ang tiyak na ma­papaboran sa karerang nilagyan ng P700,000.00 premyo at ang mana­nalo ay may P420,­000.00 gantimpala.

Ang iba pang kasali ay ang Don Albertini (KB Abo­bo), Batangas Magic (JPA Guce), Borjkahlifa (FM Raquel Jr.) at El Li­ber­tador (JB Hernandez)

Ang anim na iba pang karera ay may P400,000.00 premyo.

Ang nalalabi namang li­mang karera ay may P500,000.00 gantimpala pa­­ra matiyak na palaban ang lahat ng mga kaba­yong mapapanood.

 

ANG BOSS JADED ANG PRESIDENTIAL GOLD CUP BAGATSING CUP RACING FESTIVAL BATANGAS MAGIC CHAMPIONS CUP CUP DIVISION DON ALBERTINI HAGDANG BATO SHY
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with