Manila leg ng MILO Marathon pakakawalan ngayon

MANILA, Philippines - Hahataw ngayong umaga ang Manila eliminations, ang pang-limang qualifying leg ng 38th Natio­nal MILO Marathon sa SM Mall of Asia grounds sa Pa­say City.

Sasabak ang higit sa 40,000 bilang ng partisipante sa anim na events.

Ang mga ito ay sa 42-kilometer, 21km 10km, 5k at 3k sa Seaside Boulevard ng SM Mall of Asia.

Matapos ang Manila leg ay idaraos naman ang pang-anim na qualifying leg sa Naga (Agosto 24), Lu­cena (Agosto 31), Puerto Princesa (Setyembre 7), Lipa (Setyembre 14), Iloilo (Setyembre 21), Baco­lod (Setyembre 28), Tagbilaran (Oktubre 5), Cebu (Ok­tubre 12), Butuan (Oktubre 19), Cagayan De Oro (Nob­yembre 9, General Santos City (Nobyembre 16) at Davao (Nobyembre 23) at ang National Finals ay nakatakda sa Disyembre 7 sa SM Mall of Asia.

Matapos ang dalawang tiket para sa 2014 Paris Marathon noong 2013 ay dalawang silya para sa 2015 Tokyo Marathon ang nakataya sa 2014 National Finals.

Noong 2013 ay sina Eduardo Buenavista at Mary Joy Tabal ang nanalo sa National Finals.

Show comments