^

PM Sports

ACCEL-PBA Press Corps Player of the Week

Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa mahahalagang laro sa playoffs ay naipakita ni Joe Devance ng San Mig Coffee ang kanyang katapangan.

Sa 93-85 panalo ng Mixers laban sa Talk ‘N Text Tropang Texters sa Game Two ng kanilang semifinals series noong Sabado ay kumamada si Devance ng 15 sa kanyang 19 points sa first half.

Ito ang nagbigay sa San Mig Coffee ng 2-0 kalamangan sa kanilang best-of-five semifinals showdown sa 2014 PBA Governors’ Cup.

Si Devance ang sumalo sa trabaho ng mga may injury na sina James Yap at PJ Simon.

“I’m just trying to play hard, do whatever it takes to get the win. And thankfully, we won (Game Two),” sabi ng 32-anyos na si Devance, tumipa ng 8-of-12 fieldgoal shooting.

Nagposte si Devance, ang top overall rookie pick noong 2008 PBA Draft, ng average na 14.0 points sa semifinals series para hirangin bilang Accel-PBA Press Corps Player of the Week sa linggong Hunyo 16-22. (RC)

GAME TWO

HUNYO

JAMES YAP

JOE DEVANCE

N TEXT TROPANG TEXTERS

NAGPOSTE

PRESS CORPS PLAYER OF THE WEEK

SABADO

SAN MIG COFFEE

SI DEVANCE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with