Puro sikat na tao ang interesado sa Clippers

LOS ANGELES – Kung obligado si Donald Sterling na ibenta ang Los Angeles Clippers, mas sikat pa ang mga gustong bumili kaysa sa mga players sa kanilang roster.

Nag-iisip si Oprah Winfrey  na bilhin ang team, si Sean Combs ay Knicks fan, ngunit interesado din siya. Gusto rin ni Floyd Mayweather Jr. na makuha ang team habang bahagi lang ng team ang nais ni Matt Damon. May mga bilyonaryo, entertainers at athletes na nagpahayag ng kanilang interes sa Clippers na ang iba ay seryoso talaga.

Kung makikipagsanib si Winfrey kay David Geffen, ang billionaire entertainment executive at Larry Ellison na CEO ng Oracle, possible silang maging top contenders para sa prangkisang inaasahang magiging most valua-ble sports properties na ibebenta sapul nang maibenta ang Los Angeles Dodgers ng $2 billion noong 2012 sa Guggenheim Partners group na pinangunahan ni Magic Johnson, isang Lakers greatest player na isa ring potential Clippers bidder.

 

Show comments