NLEX target ang quarters

MANILA, Philippines - Inaasahang babalik na sa pagmamando si coach Boyet Fer­nandez para sa NLEX Road Warriors sa pag­sukat sa lakas ng Jumbo Plastic Giants sa PBA D-League Foundation Cup ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Sa ikalawang laro sa alas-2 ng hapon gagawin ang tagisan at pakay din ng NLEX ang ika-pitong sunod na panalo at ang unang puwesto sa quarterfinals.

Makakasama ni Fernandez na babalik sa koponan ang mga San Beda players na sina Ola Adeogun, Kyle Pascual, Ryusei Koga, Baser Amer at Art dela Cruz.

Habang wala ang grupo ay sina Garvo Lanete, Ke­­vin Alas at Bobby Ray Parks Jr. ang mga nagtrabaho para tulungan si assistant coach Mon Celis sa 3-0 marka.

Galing si Fernandez at ang mga San Beda players sa pagsasanay sa Lithuania sa loob ng dalawang linggo.

“If we could give NLEX a tough fight, that’s already good to me because it gives us some leverage in our succeeding games,” pahayag naman ni Giants’ coach Stevenson Tiu.

Bago ito ay pagsisikapan ng Big Chill Superchar­gers na wakasan ang tatlong sunod na pagkatalo sa pag­harap sa Café France Bakers sa ganap na alas-12 ng tanghali, habang ang Cebuana Lhuillier Gems ay sasagupa sa Boracay Rum Waves. (ATan)

Show comments