_pang-masa
^

Thaddeus Young, David Lee Players of the week

(Pang-masa) - January 8, 2014 - 12:00am

NEW YORK -- Si Thaddeus Young ng Philadelphia 76ers at David Lee  ng Golden State Warriors ang napiling NBA Eastern at Western Conference Players of the Week, ayon sa pagkakasunod para sa mga laro noong Dec. 30 hanggang Jan. 5.

Tinulungan ni Young ang 76ers sa 3-0 record noong nakaraang linggo kung saan ang lahat ng kanilang panalo ay mga road wins.

Nag-average siya ng conference-best na 25.0 points sa .566 shooting mula sa field (ninth sa conference), 7.7 rebounds at tabla sa league lead na 3.67 steals. Ang balanseng laro ni Young noong Jan. 2  nang magtala siya ng 28 points, seven rebounds, six steals at four assists – ang susi sa 113-104 panalo ng Philadelphia kontra sa Sacramento Kings.

Si Lee ay nag-average ng 24.5 points (sixth sa conference), 10.5 rebounds (sixth sa conference) at 3.5 assists para tulungan ang Warriors sa 4-0 record noong nakaraang linggo.

Nagposte siya ng two point-rebound double-doubles noong nakaraang linggo kabilang ang 32 points  na tumabla sa season-high bukod pa sa 14 rebounds noong Jan. 2 sa 123-114 panalo kontra sa Miami Heat. Lahat ng panalo ng Warriors ay galing sa Oracle Arena, na humatak ng kanilang  winning streak sa six games.

DAVID LEE GOLDEN STATE WARRIORS JAN LAHAT MIAMI HEAT ORACLE ARENA SACRAMENTO KINGS SI LEE SI THADDEUS YOUNG WESTERN CONFERENCE PLAYERS OF THE WEEK
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with