Thunder, Spurs nanalasa

MANILA, Philippines - Kapwa nanalasa ang Oklahoma City at ang San Antonio Spurs nang kanilang igupo ang magkahiwalay na kalaban upang manatili sa pangunguna sa kani-kanilang divisions sa NBA.

Sa Oklahoma City, hindi naging hadlang sa Thunder ang pagkawala ni Russel Westbrook nang magbida si Kevin Durant sa pagkamada ng  33-points, 13-rebounds at 5-assists para sa 117-86 panalo saHouston para sa ikalawang sunod na panalo ng Thunder na wala si Westbrook.

Sa pagkawala ni Westbrook na nagre-rehab ng naoperahang tuhod, apek-tado ang Thunder ngunit hindi nila ito naramdaman sa laban kontra sa Rockets.

Nagdagdag si Jeremy Lamb ng career-high na 22 points (at five assists para sa Oklahoma City, na may NBA best record na 25-5. Ipinanalo ng Thunder ang 12 sa kanilang huling 13-laro  at 20 sa kanilang huling 22 games.

Sa San Antonio, muling isinalba ng ‘Big Three’ ang Spurs nang magtala si Manu Ginobili ng 28 points, nagdagdag si Tony Parker ng 22 at si Tim Duncan ay may 17 points at 13 rebounds upang pangunahan ang San Antonio sa 112-104 panalo kontra sa Sacramento Kings.

 

Show comments