Pierce pinagmulta ng $15K

NEW YORK -- Pinatawan si Brooklyn Nets forward Paul Pierce ng multang $15,000 para sa kanyang flagrant foul kay George Hill ng Indiana Pacers.

Napatalsik sa laro si Pierce sa third quarter ng 103-86 pa­nalo ng Pacers kontra sa Nets noong Lunes.

Naagaw ni Hill ang isang bad pass at magtatangka ng layup nang dakmain siya ni Pierce sa leeg.

 Itinuring ng mga referees ito bilang isang flagrant 2 matapos ang review, habang sinabi ng NBA na si Pierce ay gumawa ng ‘excessive and unnecessary contact.’

Show comments