Macaranas tangka ang gold sa conoeing

MYANMAR – Mu-ling susubukan ni Hermie Macaranas na makaba-ngon mula sa kanyang kabiguang makakuha ng gintong medalya sa kanyang pagsalang sa men’s C1 500m canoeing competition ngayon sa Ngalike Dam dito.

Inangkin ni Macaranas ang bronze medal sa 1,000m event noong Martes at asam na makakuha ng ginto sa kanyang ikalawang laban, habang kakampanya naman si Alex Gonzalo sa men’s K1 500m kayaking.

Nakasabay si Macaranas sa isang three-man lead pack kasama sina Win Htike ng Myanmar at Thammarat Phaopandee ng Thailand sa unang 800 meters ng karera noong Martes.

Ngunit nawala siya sa karera.

“Nawalan ako ng balanse sa last 200 meters kaya naiwan nila ako,” ani Macaranas. “Sayang, may pag-asa sana tayo. Maganda na ang simula ko eh. First time ko kasi dito sa SEA Games kaya medyo ninerbyos ako.”

Sinabi ni Macaranas na ang Myanmar pa rin ang team-to-beat, lalo na sa  short distances race tulad ng 500m at 200m.

Show comments