Team Smart namayagpag sa Shakey’s All-Stars

MANILA, Philippines - Nangibabaw ang Team Smart sa Team Shakey’s, 18-25, 25-16, 20-25, 25-20, 15-10, sa kauna-unahang Shakey’s V-League All-Star Game kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Ang dalawang manlalarong naghati sa Most Valuable Player award na ibinigay sa nakalipas na conference na sina 6’2 Dindin Santiago at Jovelyn Gonzaga ang na-nguna sa Team Smart na hawak ni coach Roger Gorayeb.

Si Santiago ay may 16 puntos habang si Gonzaga ay nag-ambag ng siyam na hits.

Pero nakatulong din si Pau Soriano na gumawa sa huling dalawang sets upang makumpleto ng Team Smart ang pagbangon mula sa 1-2 score.

May 10 puntos si Mary Jean Balse habang  may siyam na hits si Rachel Ann Daquis para sa Team Shakey’s na ginabayan ni coach Nestor Pamilar.

Ang exhibition game na ito ay kinakitaan din ng paglalaro ng mga talents ng GMA 7 at sina Vonne Aquino at Betina Carlos ay naglaro sa Team Smart habang sina Lala Roque at LJ Reyes ay nakasama sa Team Shakeys. Nakalikom din pondo para itulong sa mga nabiktima ni Yolanda.

Show comments