Wolves ginamit ang option kina Rubio, Williams

MINNEAPOLIS -- Ginamit ng Minnesota Timberwolves ang kanilang fourth-year contract options kina point guard Ricky Rubio at small forward Derrick Williams.

Umaasa ang Wolves na mas magiging maganda ang kanilang kampanya ngayong season kasama ang second overall pick noong 2011 draft na si Williams.

Bukod sa desisyon para sa kanilang dalawang third-year players, pinakawalan din ng Wolves si center Chris Johnson.

May 15 players ang Minnesota ngayong regular season matapos ibigay kina forward Robbie Hummel at guard A.J. Price ang huling dalawang puwesto.

Ang huling ginawa ni dating basketball boss David Kahn bago siya sibakin ay ang pagtiyak sa 28-anyos na si Johnson ng $916,000 salary para sa 2013-14.

Show comments