Noah bawal sa lahat ng basketball activity

CHICAGO – Binawalan si Chicago Bulls center Joakim Noah sa lahat ng uri ng basketball  activities ng isang linggo upang mawala ang nararamdaman sa kanyang matagal nang groin strain.

“He still has a little bit of soreness,” sabi ni coach Tom Thibodeau nitong Biyernes bago harapin ng Bulls ang Indiana Pacers  sa isang preseason game. “We want to make sure he’s completely healed before we move on. We don’t want him to re-injure it. We want him to rehab and focus on getting healthy.”

Nagkaroon si Noah ng injury sa kaagahan ng training camp at hindi nakalaro sa tatlong unang preseason games ng Bulls bago sumalang ng 19 minutes noong Miyerkules kontra sa Detroit Pistons. Wala naman siyang naramdaman ngunit nagkaroon ng pamamaga noong Huwebes.

 

Show comments