Win No. 12 target ng Cagayan kontra Phl Army

QUARTERFINALS

TEAM          W      L

#-Cagayan           11           0

#-Phl Army         9              2

#-Smart                7              4

#-Phl Air Force 6              5

x-Meralco           4              7

x-PNP                   2              9

#-sigurado na sa Final 4

x-wala nang pag-asa

 

Laro NGAYON

(The Arena, San Juan City)

2 p.m. – PNP vs Air Force

4 p.m. – Cagayan vs Army

6 p.m. – Meralco vs Smart-Maynilad

 

MANILA, Philippines - Palawigin sa 12 sunod na panalo ang layunin ng Caga­yan Province sa pag­tatapos ng quarterfinal round ng Shakey’s V-League Season 10 Open Conference sa The Arena sa San Juan Ci­ty.

Katipan ng Lady Ri­sing Suns ang Philippine Army sa larong maitutu­ring na championship pre­view.

Wala ng pinaglalaba­nan dahil kumpleto na ang apat na koponang magla­laro sa Final Four.

Ang Cagayan at Army siyang No. 1 at No. 2 teams, habang ang Smart at Air Force ang No. 3 at No. 4, ayon sa pagkakasu­nod.

Sasalang din sa laro ang Air Women at Net Spi­kers laban sa Philip­pine National Police at Meralco sa ganap na alas-2 ng hapon at alas-6 ng gabi at may posibilidad pang magtabla ang Smart at Air Force sa 7-5 ba­raha.

Pero hindi mababago ang kanilang mga puwes­to dahil ang Smart ay may mas magandang quotient kumpara sa PAF.

Aasa muli ang Caga­yan sa mahusay na spi­kers na sina Thai import Kan­nika Thipachot bukod pa sa mga locals na sina Ai­za Maizo at Angeli Ta­baquero.

Show comments