Mikee Cojuangco panauhin sa PSA

MANILA, Philippines - Ang bagong halal na International Olympic Committee (IOC) member na si Mikee Cojuangco-Jaworski ang panauhin sa special session ng PSA Forum sa Shakey’s Malate ngayon.

Kababalik lang ni Cojuangco-Jaworski mula sa Buenos Aires, Argentina nitong weekend sa pagdalo sa 125th session ng IOC at napasama sa siyam na bagong miyembro ng  sports body.

Sasamahan ni Philippine Olympic Committee (POC) president Jose `Peping’ Cojuangco ang kanyang anak sa  forum.

Sa unang bahagi ng   session na maririnig ng live sa Sports Radio 918 at hatid ng Shakey’s at Philippine Amusements and Gaming Corporation ay ang pagbabalik ng ALA boxing promotions para talakayin ang paglulunsad ng Luzon leg ng bagong show na `Idol.’

 

Show comments