Richardson pinakawalan ng Raptors

TORONTO -- Pinakawalan ng Raptors si Quentin Richardson kahit na hindi pa nakakapaglaro ang ve-teran swingman sa koponan, ayon sa ulat ng Yahoo! Sports.

Napunta si Richardson sa Raptors sa isang offseason trade sa New York Knicks na kinasangkutan ni Andrea Bargnani.

Nakatakda sanang tumanggap ang 33-anyos na si Richardson ng veteran league minimum na $1.4 mil-yon ngayong season at ito ay isasama sa salary cap ng Raptors.

Hindi nagarantiyahan ang ikalawa at ikatlong taon na kontrata ni Richardson sa Toronto at hindi ito makakaapekto sa salary cap ng Raptors sa mga susunod na season, ayon sa Sham Sports.

 Pinapirma ng Knicks si Richardson para sa playoffs noong nakaraang season, ngunit nakita lamang sa limang laro sa postseason.

Si Richardson ay napabilang sa Orlando Magic roster noong nakaraang season subalit hindi nakapag-laro at pinakawalan ng koponan.

Show comments