ABAP tumulong sa mga binaha

MANILA, Philippines - Tumugon ang Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) sa panawagan ng kanilang chairman na si businessman-sportsman Manny V. Pangilinan na tumulong sa mga naging biktima ng nakaraang malawakang pagbaha sa Metro Manila sa pamamagitan ng kanilang “Tulong Kapatid” program.

Agad na tumulong ang mga National boxers at coaches noong Miyerkules ng umaga sa ABAP gym sa Rizal Memorial Sports Complex sa pag-aayos ng mga bags na may bigas, de lata, sopas, biskwit at tinapay.

Nagtungo sila sa Barangay Zapote sa Bacoor kung saan sinamahan sila ni Mayor Strike Revilla  na ipamigay ang mga relief items  sa daan-daang pamilya na  naging biktima ng baha.

Malaki ang pasasalamat ni Revilla kay MVP, sa Maynilad, kay ABAP president Ricky Vargas,  mga boxers at coaches  na siyang namigay ng mga relief goods.

“We are one of the hardest hit being a coastal town. ABAP is the first private group to give assistance to our need,” ani Revilla.

Bagama’t ang lahat ng miyembro ng National boxing team ay tumulong sa pagpre-prepara ng relief goods, hindi lahat nakasama sa Bacoor dahil kulang sa sasakyan.

 

Show comments