Cavaliers pinapirma ang 3 rookies ng kontrata

Tuluyan nang kinuha ng Cleveland Cavaliers sina 2013 draft picks Anthony Bennett, Sergey Karasev at Carrick Fe­lix.

Ito ang inihayag ng Cavaliers noong Martes.

Ang detalye ng kontrata nina Benneth, Karasev at Felix ay hindi ibinunyag ng Cleveland.

Ang 6-foot-8 at 240-pounder na si Bennett, isang Ca­nadian, ang first overall pick sa nakaraang NBA Draft noong Hunyo.

Nagposte siya ng mga averages na 16.1 points at 8.1 rebounds per game sa kanyang nag-iisang season para sa UNLV noong 2012-13 at naging dominante sa Mountain West Conference.

Nagkaroon si Benneth ng isang rotator cuff injury sa kanyang kaliwang balikat sa pagtatapos ng season at sumailalim sa isang surgery.

Si Karasev, ang 19th overall pick, ang gumiya sa Russia sa gold medal sa 2013 World University Games sa Kazan, Russia.

Si Felix, isang third pick sa second round (33rd overall), ay napasama sa second-team ng All-Pac 12 sa kanyang senior year noong nakaraang season.

Show comments