^

Gilas marami pang ilalabas

Angeline Tan (Pang-masa) - August 4, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Marami pang dapat na gawin para mas lalong gu­manda ang takbo ng Gilas Pilipinas.

Ito ang  ipinagdiinan ni national head coach Chot Re­yes matapos makitaan ng mas magandang la­ro ang kanyang mga bataan nang manalo sa Jordan, 77-71, noong Biyernes ng gabi sa 27th FIBA-Asia Men’s Championships sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

“I think we’re fooling ourselves if we allow our­selves to be happy. There’s a lot of room for im­provement,” wika ni Reyes na may 2-0 baraha sa Group A.

Hindi tulad sa 78-66 panalo sa Saudi Arabia, guma­na ang 3-point shooting ng Gilas laban sa Jordan matapos makapagpasok ng 12 sa 27 pagta­tangka.

Ang transition game ay nakitaan din ng tibay nang kumulekta sila ng 23 turnover points, habang sina Jeff Chan, Jayson Castro William, Ranidel de Ocampo at Marcus Douthit ay tumapos bitbit ang 17, 16, 11 at 11 puntos, ayon sa pagkakasunod.

“I felt we are better tonight than last night. But we have to keep on getting better every game because this is not a sprint race. This is gonna be a long drawn out race and the way to go deep in this race is to continue to get better,” paliwanag pa ni Reyes.

Katapat ng Pilipinas ang Chinese-Taipei kagabi at ang mananalo ang siyang mangunguna sa grupo papasok sa second round elimination na sisimulan sa Lunes dahil pahinga ang aksyon ngayon.

Sa nasabing yugto, makakasama ng Pilipinas, Chinese-Taipei at alinman sa Jordan o Saudi Arabia ang Qatar, Japan at Hong Kong na nasa Group B.

Bitbit ang win-loss record laban sa mga naka­sama sa grupo, lalabanan ng mga koponan sa Group A ang mga nasa Group B at ang mangu­ngunang apat na koponan matapos ang tatlong laro ang aabante sa quarterfinals sa Agosto 9.

Isa pang bagay na hindi dapat mawala sa susu­nod na mga laro ng host team ay ang mainit na suporta ng manonood.

 

ASIA MEN CHINESE-TAIPEI CHOT RE GILAS PILIPINAS GROUP A GROUP B HONG KONG SAUDI ARABIA SHY
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with