Gilas paghahandaan ang Saudi

MANILA, Philippines - Matapos ang ka­ni­lang mga training camps sa Lithuania at New Zea­land at pagsagupa sa PBA Selection at Ka­zakhstan, ang mental pre­p­aration naman ang tu­­tutukan ng Gilas Pili­pi­­nas II para sa kanilang pag­sabak sa 27th FIBA-Asia Men’s Championships.

Ilang club teams ang hinarap ng Gilas II sa Lithuania at sa New Zea­land, habang tinalo na­man nila ang PBA Se­lection, 99-87, at ang Ka­zakhstan, 92-89, sa ka­nilang pagbabalik sa ban­sa.

“From hereon in its really mental preparation and sharpening,” sa­bi ni national head coach Chot Reyes.

Nakatakda ang FIBA-­Asia Cham­pion­ships sa Agosto 1-11 at la­laruin sa MOA Arena sa Pasay City at sa Ni­noy Aquino Stadium sa Ma­nila.

Kasama ng Gilas II sa Group B ang Saudi Ara­bia, Jordan at Chinese-Taipei.

Ang Saudi Arabia ang unang makakasagu­pa ng Nationals sa Agosto 1.

“We don’t want to overlook Saudi,” ani Re­yes. “But we will spend the last days of our training preparing for Jordan and Taipei.”

Ang lahat ng laro ng Gilas II ay sa ganap na alas-8:30 ng gabi sa MOA Arena.

Sakaling makapasok sa second round, posibleng muling makaharap ng Nationals ang Kazakhs.

“Iniwasan natin ‘yan sa grouping,” wika ni Re­yes sa Kazakhstan, ibi­nandera si NBA ma­te­rial Anton Ponomarev. “But really I am worried about Kazakhstan. We know a little about them.”

Tatlong tiket ang na­kataya sa FIBA-Asia Championships na qua­lifying meet pa­­tungo sa 2014 FIBA World sa Spain.

 

Show comments