Landry nakipagkasundo sa Kings

MANILA, Philippines - Nakipagkasundo si Carl Landry sa four-year deal sa Sacramento Kings, ayon sa kanyang agent na si Mark Bartelstein.

Kikita si Landry ng  $26 million sa kanyang kontrata, ayon sa source ng Yahoo! Sports.

Kumalas si Landry sa final year ng kanyang kontrata sa Golden State at tinanggihan ang mas ma-laking offer para sumama sa Los Angeles Clippers.

Ang 29-gulang na si Landry ay nag-average ng  halos 11 points at six rebounds sa 23 minutes a game para sa Warriors noong nakaraang season.

Show comments