Kings iniurong ang offer kay Igoudala

MANILA, Philippines - Umatras ang Sacramento Kings sa four-year, $52 million offer kay free-agent small forward Andre Iguodala na iniulat kamakailan.

Iniulat na binawi na ang offer nitong Miyerkules dahil muling pinag-iisipan ng Kings ang kanilang rebuilding process sa ilalim ng bagong owners.

Iniwan ni Iguodala ang $13.9 million sanang tatanggapin niya para sa 2013-14 season sa Denver Nuggets para maging free agent.

 

Show comments