Cobra-urge ride rules tour

MANILA, Philippines - Masasaksihan na naman ng publiko ang walang kasing exciting na contest ng mga bike stunt riders sa pagbabalik ng ‘Cobra-Urge Ride Rules! Tour.’

Idaraos ngayon ang unang yugto ng Season 2 sa Amphitheater, Riverbanks, Marikina City sa dakong ala-una ng hapon.

Ang pinakamagagaling at pinakamatitinding bike stunt riders sa buong Pilipinas ay magpapasiklaban ng tricks, jumps at iba’t-ibang stunts upang mapili ang pinakamagaling sa BMX Box Jump, BMX Street at MTB Box Jump.

Ang bawat kategorya ay hahatiin sa dalawa: pro/expert at beginner/novice categories kaya makikita ang galing ng naghahasa pa lang ng galing at bihasa na sa BMX at Mountain biking!   

Sa season 2 ay magtutuos ang dalawang defending champion na sina Dan Lopez - season 1 champion sa BMX Street, BMX Box Jump categories at si Eboy Farr - champion naman ng MTB Box Jump category. 

Ang ikalawang yugto ay magaganap sa Hunyo 15 sa open parking, Star Mall ng Las Piñas City, samantalang ang final leg o National finals ay gaganapin sa Hulyo 13 sa hindi pa natutukoy na venue.

 

Show comments