Tuñacao nabigo para sa WBC crown

MANILA, Philippines - Nabigo si Malcolm Tu­ñacao  na maging world boxing champion nang matalo kay WBC ban­tamweight titlist Shinsuke Yamanaka via 12th round TKO loss noong Lu­nes ng gabi sa Tokyo, Ja­pan.

Halos 12 taon ang ipinaghintay ng 35-anyos na si Tuñacao para sa natu­rang title shot.

Dalawang beses bu­magsak ang tubong Man­daue City sa third round at isa sa 12th round kung saan hindi na siya nakatayo.

Huling nakahawak ng korona si Tuñacao noong 2000 matapos magkampeon sa WBC flyweight di­vision.

Show comments