Bynum hindi pa rin makakalaro para sa Philadelphia 76ers

PHILADELPHIA -- Hindi nakakalaro ngayong  season dahil sa kanyang knee injury, sinabi ni Andrew Bynum na tuluyan na siyang hindi makikita sa mga laban ng Phi­ladelphia 76ers.

Ito ay dahil sa pamamaga ng kanyang kanang tu­hod.

Sa kanilang training camp bago simulan ang season, kumpiyansa si Bynum na makakalaro na para sa Si­xers.

Umatras sa paglalaro si Bynum noong Biyernes nang mamaga ang kanyang kanang tuhod matapos ang kanilang five-on-five drills noong nakaraang ling­go.

Walang ipinangako si Bynum, isang All-Star no­ong nakaraang season para sa Lakers, kung kailan si­ya makakabalik.

“It’s getting really late. I don’t know,” wika ni Bynum.

Umaasa sa kanilang 7-foot center, hangad ng Si­xers (22-34) na makipaglaban para sa Atlantic Division title patungo sa playoffs.

Nasa isang seven-game losing slump ngayon ang Phi­ladelphia.

Sinabi naman ng 25-anyos na unrestricted free agent na maglaro o magpahinga.

“I think being healthy is more important than every­thing else,” wika ni Bynum. “If I am healthy, I’ll get a deal. I have to be able to play and I need to get to the point with my body where I’m able to play, however long that takes.”

Hindi siya maglalaro sa Sixers hangga’t wala pa si­ya sa kondisyon.

“I don’t want to play in pain,” ani Bynum.

Show comments