SMBeer unang guest ng PSA sa 2013

MANILA, Philippines -  Ang  San Miguel Beermen  ang magiging unang panauhin sa PSA Forum para sa taong 2013.

Tatalakayin ng San Miguel ang kanilang nalalapit na kampanya sa ikaapat na season ng Asean Basketball League (ABL) ngayon sa Shakey’s Malate.

Inaasahang dadalo sina coach Leo Austria at ilang miyembro ng team sa pangunguna nina  dating PBA MVPs Asi Taulava at Eric Menk at sila ay sasamahan ni SMC sports director Noli Eala sa  session na hatid ng Philippine Amusements and Gaming Corporation (PAGCOR) at Shakey’s. 

Sinabi ni Eala na dadalo rin ang mga kinatawan ng Fox Philippines sa alas-10:30 ng umagang public sports program para ihayag ang television partnership sa San Miguel team.

Show comments