_pang-masa
^

PM Sports

Coach Binky at Ella Favis tagumpay sa kanilang negosyo

WHETHER YOU LIKE IT OR NAP - Nap Gutierrez - Pang-masa

Si basketball coach Binky Favis at ang kanyang may­bahay na si Ella ay may lumalagong negosyo at iyan ay ang Shoebox.

Sa ngayon, puro pambabaeng sapatos na kinababaliwan ng mga estudyante at maging ng mga mo­thers ang offer nila sa kanilang mga branch.

Nag-umpisa sa isang tindahan, ngayon ay marami na itong branch sa mga mall, kasama na ang Ro­binsons Manila kung saan dalawa pa ang stores nila.

Bibilib ka rin naman kay Ella dahil hands on siya sa operations at buo naman ang ibinibigay na suporta ni Binky.

Di na kami magugulat kung isang araw ay may branch na sila sa lahat ng malls.

***

Pati si Buboy Fernandez na assistant trainer ni Manny Pacquiao ay sikat na rin.

Laman na rin siya ng mga interview sa TV.

***

Tinalo ng Cafe France ang NLEX.

Tinalo rin ng Fruitas ang Big Chill.

Kumpletong araw ng mga upsets.

Pagpapatunay lang na kaya pa ring talunin ang NLEX at Big Chill.

Kaya nga maganda ang PBA D-League ngayon.

***

Dumating na si Manny Pacquiao kahapon.

Kahit natalo, binigyan pa rin siya ng hero’s welcome although obvious namang hindi na kasing da­mi ang taong sumalubong.

Hindi na rin ganun kaiba.

Siyempre, ganyan naman talaga ang mga Pinoy.

Mukhang wala pa rin sa isip ni Manny ang mag-retiro.

 

BIBILIB BIG CHILL BINKY FAVIS BUBOY FERNANDEZ CAFE FRANCE ELLA RIN TINALO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with